Why Invest in stocks?

Anu-ano ang benefits ng pag-iinvest sa stocks? 
SHARE THIS

Ngayon na may ipon ka na, the next step is to invest! May basic knowledge ka na rin tungkol sa stocks at stock market. Kung nag-iisip ka pa rin whether to invest or not, alamin ang ilan sa maraming benefits ng pag-invest sa stocks:

Image

Mataas ang potensyal na lumago ang pera

May potensyal ang stocks na makapag-bigay ng mas malaking kita kaysa sa ibang investments. Kung ikukumpara sa traditional savings account at time deposits, napatunayan na ang stocks ay may potensyal ng higit na mas mataas na kita lalo na sa mahabang panahon.

Image

Maaaring ma-protektahan mula sa inflation

May history ang stock market na nakakapagbigay ito ng above inflation returns. Ito ay nangangahulugang kaya mong protektahan ang halaga ng pera mo paglipas ng panahon.

Image

Abot-kaya

Hindi kailangan ng malaking halaga para simulan ang stock investment journey mo. Karaniwan mataas na halaga ang hinihingi ng ibang high-return investments, pero pagdating sa stocks, pwede ka magkaroon ng share sa kumpanya kahit na sa maliit na halaga.

Image

Madaling bilhin at ibenta

Maaari kang bumili o magbenta sa kahit na anong oras sa loob ng regular trading hours. Ang trading days and hours sa Pilipinas ay: Monday to Friday (except holidays), from 9:30AM to 3PM.

Don't have GCash yet?

Gusto maging mas wais sa pera?

Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera
Back to Usapang Pera