Stocks 101

Ano ang mga dapat mong malaman bago mag-invest sa stocks?
SHARE THIS

Interesado ka na ba mag-invest para ma-achieve ang financial goals mo? Iniisip mo na siguro kung saan maganda ilagay ang pera mo! Maraming uri ng magagandang investments, pero ang una mong maririnig kapag pinag-uusapan ito ay stocks. Read on to find out what stocks are, at ang mga factors na nakaka-apekto sa movement at value nito.

Image

Ano nga ba ang stocks?

  • Stocks are shares of ownership sa isang publicly-listed corporation. Kapag ikaw ay bumili o nag-invest sa stocks ng isang kumpanya, magiging part owner or shareholder ka na nito.

  • Ang buying at selling ng stocks ay nangyayari sa stock market. Sa Pilipinas, ang Philippine Stock Exchange (PSE) ang namamahala sa bilihan at bentahan ng stocks.

Paano ba kumikita sa stocks?

Bilang shareholder, pwede ka mag-benefit sa paglago ng kumpanya through 1) Stock Price Appreciation and/or 2) Dividends

  • Ang stock price appreciation ay ang pagtaas ng market price over time dahil sa magandang performance ng company at pagtaas ng demand na bilhin ang shares nito. Karaniwan, kasabay ng paglago ng isang kumpanya ang pagtaas ng presyo ng stocks nito.

  • Maaari din mag-issue ang mga kumpanya ng dividends in the form of cash or additional shares of stock. Sa ganitong paraan, makakakuha ng parte ang mga shareholders sa kinita nito.

Bago mag-invest, may mga basic key concepts na dapat mong alamin pagdating sa stocks: 

Image

Long-term investing

Sa maikling panahon, ang stock prices ay maaaring tumaas o bumaba dahil sa maraming kadahilanan tulad ng takbo ng ekonomiya o pagbabago sa takbo ng isang kumpanya. Usually, tumataas ang value ng isang kumpanya over time, kaya mas mainam panatilihin ang stock investments sa loob ng maraming taon at ituring itong long-term investment.

Image

Risk vs Reward

Sa pag-iinvest sa stocks, ikaw ay may potential na makakuha ng high returns, pero may kaakibat itong risks. Ang risks ay usually dahil sa pagtaas at pagbaba ng stock prices sa market. Nangangahulugan nito na kung maganda ang performance ng stocks, kaya nito magbigay ng higher returns. Makakaranas ka naman ng losses kung ang takbo ng stock market ay pababa lalo na during a period of crisis.

Image

Portfolio Diversification

Ito ay isang strategy kung saan inilalagay mo ang pera mo sa iba’t ibang investments, para hindi limited ang exposure sa isang kumpanya. It does not mean that you can only invest in different stocks, pero pwede rin sa ibang sectors ng stock market. In the case of the PSE, pwede ka mag-invest in different companies that fall under Financials, Holdings, Property, Services, Industrials, Mining, or Oil industries.

Pero ano ba ang nagpapagalaw sa stocks? Bakit bumababa o tumataas ang value nito? 

  • Ang pangunahing nakaka-apekto sa stocks ay mga factors na related sa kumpanya na nagmamay-ari nito. Naka-depende ang value ng stock kung maganda ang revenue at kita nito kada taon. Kung maganda ang takbo ng negosyo, maaaring tumaas ang stock price at vice versa. Pwede rin maka-apekto ang management changes, product or service innovations, o kung may legal issues na kinakaharap ang kumpanya. 
  • Pangalawa, nai-impluwensyahan din ang stock prices ng mga factors na hindi hawak ng kumpanya. Usually, ito ay may kinalaman sa ekonomiya ng bansa tulad ng inflation, interest rates, unemployment, o panahon ng sakuna. 

Ngayon na may basic knowledge ka ng stocks, alamin naman natin kung ano ang mga benefits na pwede makuha sa pag-invest dito!

Don't have GCash yet?

Gusto maging mas wais sa pera?

Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera
Back to Usapang Pera