Stock investing tips

Tips para maging successful sa stock investing
SHARE THIS

Ang pagbuo ng diversified na investment portfolio ay maaaring makatulong para mabawasan ang risk.

  • Ito ay ang pag-invest sa iba’t ibang kumpanya or industries. Sa pamamagitan nito, maaaring maiwasan ang negatibong impact ng paggalaw ng stock market. Mapa-conservative, moderate, o aggressive ang risk appetite, makakatulong ang diversification sa stability ng kabuuang investment mo.

  • Halimbawa:

    Kung mula sa Financial sector ang Company A na pinag-investan mo, mas mabuti kung ibang industry ang second investment mo na Company B (gaya ng Property or Services sector).
Image
Image

Makakatulong ang pag-research sa mga listed companies.

Lahat ng investors ay dapat updated sa news at mag-research. Makakatulong ito sa pag-suri kung karapat-dapat ba na ibenta na ang stocks mula sa isang kumpanya o di kaya naman ay i-dagdag ang isang kumpanya sa portfolio mo.

Alamin ang 4P’s bago mag-invest sa isang kumpanya. 

  • Product - Anong klaseng goods or services na ino-offer ng kumpanya? Trend lang ba ito o staple na mga produkto?
  • Potential - May potential ba ang kumpanya na mag-expand ng mga proyekto at palawakin ang operasyon o produksyon? 
  • People - Tignan kung stable ang pamamahala sa kumpanya at kung ang management ay may mahusay na record.
  • Profitability - May history ba ang kumpanya ng steady at consistent na paglago? Mas malaki ang risk kung bago pa lang at walang track record ang kumpanya. Mahalagang malaman kung kumikita o nalulugi ito. 

Kung nais mo maging updated tungkol sa mga  announcements at kaganapan sa mga listed companies dito sa Pilipinas, pwede mo bisitahin ang PSE Edge Portal. Para sa mga balita tungkol sa negosyo at ekonomiya, maaaring magbasa ng mga article sa BusinessWorld at Inquirer.net

Don't have GCash yet?

Gusto maging mas wais sa pera?

Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera
Back to Usapang Pera