Aling investment ang para sa akin? Alamin ang types of investments at kung paano ka nila matutulungan palaguin ang iyong pera para sa financial goals mo!
SHARE THIS
Ngayon na may kaalaman ka na sa basics of investing, punta na tayo sa types of investments at mga factors na kailangan mo i-consider. Bilang newbie investor, maaari kang malito sa mga different options ng investments.
Dahil doon, bibigyan ka namin ng tips na makakatulong sa’yo pumili ng tamang investments.
Maraming investment products mula sa banks at financial institutions.
As a beginner, pwede ka magsimula gamit ang mga financial instruments na ito:
Investment Funds
Bonds
Stocks
Other assets
Alamin natin kung ano-ano ang mga ito:
Investment Funds
Ang Investment Funds ay pooled investments galing sa iba’t-ibang investors. May professional fund manager na maghahandle at mag-iinvest sa iba’t-ibang financial instruments para sayo.
Ito ay magandang option para sa mga beginners o nagsisimula pa lang mag-invest dahil ang funds na ito ay mina-manage ng mga eksperto. Sila ang magreresearch at mag-aaral ng financial markets para sa’yo para tulungan kang lumago ang pera mo. Isang magandang halimbawa kung saan pwede maginvest in high-performing investment funds ay through GFunds sa GCash.
May tatlong uri ng investment fund structures: Mutual Funds, Unit Investment Trust Funds (UITFs), and Exchange Traded Funds (ETFs).
Ang Mutual Funds ay regulated ng Securities and Exchange Commission (SEC) kung saan binibili ng investors ang shares ng isang mutual fund company.
Ang Unit Investment Trust Funds (UITFs) ay regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan binibili ng mga investors ang units ng UITF from a bank or a trust company.
Ang Exchange Traded Funds (ETFs) ay regulated ng Philippines Stock Exchange (PSE) and the Securities and Exchange Commission (SEC). Dito, binibili ng investors ang shares ng isang asset management company through the stock market.
Sa market naman, may limang uri ng investment funds na available:
Money Market funds
Bond funds
Balanced funds
Equity funds
Feeder funds
Bonds
Ang Bonds ay uri ng investment kung saan nagpapahiram ka ng pera sa gobyerno o isang kompanya kapalit ng fixed regular interest payments or coupons.
May dalawang uri ng bonds: Corporate Bonds and Government Bonds.
Ang Corporate Bonds ay issued ng private companies na nakaregister sa Securities and Exchange Commission. Private companies issue bonds para mag-raise ng money for the business.
Ang Government Bonds ay issued ng government to raise money for projects at expansions. Ito ay low risk dahil malabo na hindi matupad ng gobyerno ang mga required payments nila. Dahil sa low risk nature nito, karaniwan mas maliit din ang interest rates na binibigay ng government bonds kumpara sa corporate bonds.
Tip: Para kumita sa bond market, pwede ka bumili muna, i-hold ito, at hayaang mag-collect ng interest. Ito ay paid semi-annually or quarterly, depende sa bond. Pwede ka rin magka-tubo sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa mas mataas na presyo kaysa sa pagbili mo.
Stocks
Ang stocks naman ay representation ng small portion ng isang company. Mabibili at mabebenta ito sa stock market. High-risk ang stocks dahil pabago-bago at unpredictable ang kanilang presyo sa maikling panahon. Pwedeng bumaba ang investments mo sa stocks kapag nag-invest ka sa companies that perform badly. Pero, if these companies grow, tataas rin ang kanilang value.
Pag nag-invest ka sa isang company, naniniwala ka sa kakayahan nito na lumago o tumaas ang value sa future. What’s more? Kapag bumili ka ng stocks, magiging shareholder ka o part-owner ng company na iyon!
Ang kita sa stock market ay sa pamamagitan ng dividends at capital or price appreciation.
Ang dividends ay ang bahagi ng kita or profits ng kompanya na ibinibigay sa mga shareholders.
Ang capital or price appreciation ay ang pagtaas ng stock price ng isang kompanya. Para kumita, bibilhin ng isang investor ang isang stock kapag mababa ang presyo at ibebenta kapag mataas ang presyo.
Ang Philippine Stock Exchange (PSE) ang namamahala sa Philippine Stock Market. Kailangan mo ng isang stock broker para bumili at magbenta ng stocks. Ito ay isang tao o kompanya na accredited ng Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission na magbenta at bumili ng stocks on behalf of investors.
Bilang summary sa types of investment products:
Investment Tip: Mag-invest sa iba’t ibang types of investment products o financial assets para kapag bumaba ang value ng isang investment, hopefully ay tataas o mare-retain lang ang value ng iba mong investments para hindi ka masyadong maapektuhan. Ito ay ang tinatawag na diversification.
Ngayong alam mo na ang different investment products, handa ka na ba mag-invest o may mga worries o doubts ka pa? Gusto mo ba ng easy way para simulan ang iyong wealth journey? Napakadali nang magsimula kasama ang GCash for as low as P50! Para malaman kung handa ka na, icheck ang Beginning Investor’s Checklist!
Complete na ba ang checklist mo? With GCash, you can jumpstart your savings and investment journey!
Kung handa ka na, punta tayo sa mga produktong available sa GCash!