Bakit, magkano, at paano mag-invest? Alamin kung ano ang investing at mga dapat malaman bago magsimulang mag-invest.
SHARE THIS
Maaaring hindi mo napapansin, pero marami ka nang investments sa buhay mo. Nag-invest ka ng time and money para sa college degree. O nag-invest ka in a job, a small business, o kahit property. In the future, umaasa kang kumita from these investments.
4. Grow
Napakahalaga na may savings, pero hindi ito sapat para ma-achieve ang financial independence. Kailangan
lumago at mag-grow ang pera mo through investing.
Ang investing ay ang proseso ng pagbili ng mga assets o resources na tumataas ang halaga at magbibigay
ng kita sa’yo in the future tulad ng stocks, bonds, o investment funds. Ito ay mga financial instruments
na tutulong sayo palaguin ang pera mo. Sa investing, ang pera mo ang kumikita para sayo!
1. Alamin muna ang iyong Risk Profile
Walang kasiguraduhan sa investing. Maaari mag-iba ang outcome from expected returns.
Ang Risk Tolerance ay ang kakayahan ng isang investor na ma-handle ang ups and downs ng pag-iinvest sa financial markets, dahil ang bawat investment product ay may iba’t-ibang risks and returns.
Ang risk ay ang posibilidad na bumaba ang halaga ng pera o potential loss na kaakibat ng mga investment decisions.
Ang returns ay ang kita mo mula sa iyong investments.
Tip: The higher the risk, typically the higher your potential earnings will be. Ngunit dapat tandaan na ‘di tulad ng savings account, walang kasiguraduhan ang investing kaya ang returns ay naka-depende parin sa kalalabasan ng financial markets. Kaya dapat, pumili ng investments na pasok sa iyong risk profile.
Bago mag-invest, alamin ang iyong risk profile o level ng risk na willing ka kunin. May tatlong uri ng risk profiles:
Kung ikaw ay:
Conservative investor, ang goal mo ay capital preservation o panatilihin ang iyong capital. As much as possible, mas gusto mo sa safe at less risk na investments kasi you are not yet comfortable with losses.
Moderate investor, ang goal mo ay medium to long-term capital growth. Willing ka mag take ng konting risk, at ang iyong portfolio ay maaaring mix ng risky and safe investments.
Aggressive investor, ang goal mo ay capital growth. Ikaw ay may sapat na experience at willing ka mag-take ng malaking risks kapalit ng mas malaking returns. Mayroon ka ring sapat na capital para ma-handle ang losses.
Note: Ang capital ay ang iyong source ng pera na pwedeng gamitin for investment to build your wealth.
2. I-match ang investments sa time horizon at goals mo
Mahalaga ang oras sa investing. Dapat match ang timeline ng iyong investments sa financial goals mo. Halimbawa ay ang savings ay for short-term goals habang ang investing naman ay for medium to long-term. May ibang investments na kailangan ng mas mahabang panahon para ma-monitor at ma-manage ito.
3. Alamin nang mabuti kung saan mo ilalagay ang iyong pera
Dahil sa risks involved in investing, dapat mag-research muna para madagdagan ang iyong kaalaman, lalo na sa mga investment products with higher risk.
4. Dapat komportable ka sa halaga na iyong i-invest base iyong risk profile
Ang amount na iyong plano i-invest will help decide kung anong investment product ang bagay sa iyo. Mas mainam kung may savings and emergency fund ka na rin bago mag-invest.
Mga Investment Principles
Maliban sa tips na ating nadaanan, may seven golden rules din na pwede magsilbing guide sa iyong investment journey.
Know yourself. Mahalaga na maging mindful sa iyong current financial situation dahil dito nakadepende ang iyong risk appetite.
Always play the long game. Long-term commitment ang investments. Hindi overnight ang paglago ng pera. Be patient and stick to your plan.
Accept that there are no absolutes. May mga risks and losses na involved sa investing. Piliin lamang ang mga risks na kaya mo at give time para maka-recover sa ups and downs ng market.
Buy good quality investments. Hindi lahat ng investments ay bagay sa iyong risk profile. Piliin ang good quality investments na bagay sa risk tolerance mo na may bigger chances of long-term success.
Manage your risk. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagdi-diversify ng portfolio. ‘Wag ilagay ang lahat ng pera sa isang investment lamang. Mapro-protektahan mo ang iyong investment by spreading the risks at maaari ka pang makakuha ng higher returns.
Mag-review ng portfolio. Ang portfolio ay ang group ng iba’t-ibang investments mo. Ang nakukuha mo ba ay profit or loss? I-check kung maayos ang performance ng iyong investments and act accordingly.
Have a proper mindset to build investment discipline. ‘Wag magpa-apekto sa mga trends at emosyon at mag-focus sa long-term goals.
Later on, you’ll learn na hindi kumplikado o mahal ang pag-invest. Kapag marunong ka na, ito ay magiging extra source of income para sayo. Magkakaroon ka ng kita o profit, at ito ang tutulong sa’yo to build your personal wealth.
Para malaman kung anong investment products ang maaari mong pagpilian, punta naman tayo sa Paano Pumili ng Tamang Investments.