Financial Planning

Planning is key! I-set ang iyong financial goals at alamin kung paano ang tamang Financial Planning.
SHARE THIS

Ang Financial Planning ang tawag sa proseso nang pagbubuo ng mga financial goals at pagpla-plano kung paano ito makakamit.

Kaya mo ‘to gawin in just 4 steps:

1. Magset ng Financial Goals

Tanungin mo ang sarili mo: Ano nga ba ang mga goals ko sa buhay?

Balikan natin ang mga life goals tulad ng komportableng retirement, magkaroon ng bahay at lupa, sariling kotse, magagandang gadgets at damit, o kung ano man ito.

Marami sa atin na goal ang ma-afford ang isang ideal lifestyle – may enough savings, investments, and cash para magkaroon ng masaya at komportableng buhay.

Image

2. Alamin ang iyong time horizon

Para rito, kailangan natin malista at malaman ang pagkakaiba ng short term at long term goals.

Image
  • Ang short term goals

    ay mga goals na gusto mong ma-achieve in 1 year tulad ng bagong cellphone, mga damit, gadgets, o family outings.
  • Ang long term goals

    naman ay goals na lalagpas ng 1 year tulad ng retirement, tuition para sa edukasyon ng mga anak, o sariling bahay at lupa para sa pamilya.

Kapag nalista mo na ang iyong mga goals, gumawa ka ng timeline kung kailan mo nais makamit ito.
Halimbawa:

  • Gusto ko makabili ng bagong cellphone sa birthday ko this year.
  • Gusto ko magkaroon ng sariling bahay in 20 years.

3. Maging financially aware

Pagdating sa planning, napaka-importante ding malaman ang konsepto ng financial awareness. Kailangan aware ka at binabantayan mo lagi ang iyong financial situation.

Kailangan masagot mo ang mga tanong:

  • Magkano ang kinikita ko kada buwan?
  • Magkano ang gastos ko kada buwan?
  • May savings na ba ako sa buwang ito?
  • Sakto na ba ang emergency funds ko?
  • May investments na ba ako?
Image

Tulad ng natutunan natin sa 4 na diskarte patungo sa Financial Independence, kailangan madefine mo ang earnings, spendings, savings, at investments mo para aware ka sa financial situation mo. Bukod sa kasalukuyan, kailangan mo din madefine kung ano ang mga goals mo sa future at kung may pera ka na bang nakalaan o handa para sa future na pinapangarap mo. Kapag na-define mo na ang goals mo sa buhay, iyon ang magiging motivation mo para magsumikap sa iyong financial journey at makamit ang iyong life goals!

4. Build good financial habits

Mahalaga na magkaroon ng tamang mindset at disiplina at good financial habits para sa iyong wealth journey. Pero ano nga ba ang good financial habits? Here are some tips:

Image

1. Gumawa ng budget plan to keep track of resources and expenses
Kapag may plan ka for your income, expenses, at spending habits, mas ready ka na mag-manage ng resources mo at kung paano mo sila gagamitin. Kapag may budget plan ka, makakapag-set aside ka na ng tamang amounts for expenses, debts, and to build savings and investments to reach your goals.

2. Magdeposit regularly sa savings account
Hindi lang isang beses ang pagsa-save. Dapat palagi itong ginagawa para lumago ang iyong pera. Pwede mo ito gawin kada-buwan o kada-sweldo. Panatilihin ang pera mo sa isang savings account para tumubo ang pera mo through interest at compounding interest. Ang importante ay magdeposit ka regularly para masanay ka na laging nagsa-save at maging habit na ito.

3. Mag-set up ng Emergency Fund
Walang kasiguraduhan ang future. Kapag bigla kang nagkaroon ng medical emergencies, nawalan ng trabaho, kailangan ng home repairs, o iba pang di inaasahang pangyayari, maaapektuhan ang iyong finances at savings. Dito pumapasok ang importance ng pagkakaroon ng Emergency Fund.

Walang standard rule sa pagbubuo ng emergency fund, pero payo ng mga eksperto ay:

  • Mag-ipon ng at least 3 to 6 months worth ng iyong monthly expenses.
  • Maglaan ng hiwalay na savings account para sa emergency fund dahil malimit lang dapat ito ginagalaw.
  • Maging consistent sa pag-dedeposit sa iyong savings para on track ka sa pagbuo ng emergency fund.

4. Mag-save at mag-invest para sa life goals
Maliban sa emergency fund, may mga short-term and long-term goals din na kailangan paghandaan. Higit pa sa savings, dapat matutunan ding mag-invest para sa long term goals! Dapat aralin at intindihin ang savings at investment products na tutugma at tutulong sa’yo ma-achieve ang iyong short-term at long-term life goals.

Kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat unahin mo, pwede makatulong ang gabay na ito:

With the right knowledge, time, and patience, kaya mo din ‘to! Kailangan mo lang i-set ang iyong goals at magkaroon ng disiplina at commitment para ma-achieve ang life goals at safe and secure future na pinapangarap mo.

Ngayong naiintindihan mo na kung paano bumuo ng financial plan, punta naman tayo sa Budgeting 101!

Next Article:
Budgeting 101

Don't have GCash yet?

Gusto maging mas wais sa pera?

Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera
Back to Usapang Pera