Financial Literacy at Bakit Kailangan Mo Ito

Gusto mo ba maging mas madiskarte sa pera? Alamin kung ano ang financial literacy at kung bakit mahalaga ito.
SHARE THIS

Ano ang mga pangarap mo sa buhay?

Bahay at lupa? Sariling sasakyan? Maayos at komportableng retirement?

Ilan lang ito sa mga pangarap at life goals natin. Pero bakit parang ang hirap nito makamit?

Image

“Ang hirap maka-ipon.”

“Parang dumadaan lang ang pera.”

“Ang bilis lagi maubos ng sweldo ko at madalas hindi ko na alam kung saan napupunta. “

“Hanggang dito nalang ata ako – ang pag asenso sa buhay ay para sa mga mayaman lang”

Nakarelate ka ba?

Gusto mo bang mas gumaling humawak ng pera at mas umasenso sa buhay? Kung oo ang sagot mo, ang mas importanteng tanong ay paano?

O’ ito kaibigan, sasagutin ko na ang mga tanong mo. Ang kailangan mo ay Financial Literacy.

Financial Literacy

Ang Financial Literacy ay ang kaalaman at husay ng isang tao pagdating sa buhay-pinansyal o tamang paghawak ng pera. Kasama rito ang pag-unawa at aplikasyon sa buhay ng  tamang pag-ipon, paggastos, pag-budget, at pag-invest para lumago ang pera.

Pero bakit nga ba importante ang financial literacy?

Image

1. Magiging responsable ka sa paghawak ng pera mo

Kapag may sapat na kaalaman ka kung paano magsave, magspend, magbudget, at mag-invest, mas magiging magaling ka sa paghawak ng pera para sa mga pangangailangan at long-term life goals mo.

Isang example ng tamang paghawak ng pera ay ang pagdedeposit at pagbui-build ng savings bago gumastos para sa mga luho o mga bagay na di naman kailangan. Knowing how to save and manage your resources can help you para ma-achieve ang life goals and dreams mo.

2. Mauunawaan mo ang inflation at mga epekto nito

Napansin mo ba na ang dating mga binibili mo sa grocery ay nagmahal? Ito ay dahil sa inflation. Ang inflation ay isang economic concept kung saan tumataas ang presyo ng mga bilihin at overall cost of living over time. Bumababa rin ang value ng peso at kakayahan natin bumili ng ating mga pangangailangan.

Sa madaling salita, sa pagtaas ng inflation rate, nababawasan ang value ng ating pera.

Let’s say na ang price ng paborito mong fried chicken with rice noong 2020 ay Php 100. Tumaas ang inflation rate to 4.2% sa 2021, kaya ang price nito ay tumaas rin to Php 104.2.

Kung patuloy na tataas ang inflation rate by 4.2% taon-taon…

Image

Year Chicken Meal
(with 4.2% annual inflation)
2020 Php 100
2025 Php 122.84
2030 Php 150.90
2035 Php 227.70

By 2035 — 20 years from now — ang price ng chicken meal mo ay Php 227.70 na. In short, halos kalahati na lang ng chicken meal ang mabibili ng Php 100 mo sa 2035. Nakakalungkot, ‘di ba?

Di natin kontrol ang mga pangyayari sa economy. Pero with financial literacy, kaya natin mas maging handa para maprotektahan ang sarili. Ilan sa mga strategies para malabanan ang inflation ay through saving and investing.

Image

3. Magiging handa ka para sa mga emergency at hindi inaasahang mga importanteng gastusin

May emergency funds ka na ba in case magkasakit ka o ang ibang miyembro ng iyong pamilya?

Maraming mga unexpected na pwede mangyari sa ating buhay. Maaaring ito ay sakit, aksidente, biglaang pagkawala ng trabaho, at marami pang iba. Kapag may ganitong mga pangyayari, dadami ang mga gastusin at maaapektuhan ang ating financial stability.

Dito makikita kung gaano ka-importante ang savings at pagkakaroon ng emergency fund. Dapat masanay tayo na regular na nagsa-save para makabuo ng emergency fund para prepared tayo for any unexpected events. Pwede rin tayo mag-apply for insurance, HMO (Health Maintenance Organization) card, at iba pang investments to protect ourselves sa mga di inaasahang financial emergencies.

4. Maiiwasan mo maging biktima ng fraud and scam

Sa paglago ng internet at technology, mas lumaganap ang iba’t-ibang uri ng scam

Ang scam ay isang paraan ng panloloko na sasamantalahin at paniniwalaing may makukuha ka, pero kukunin lang pala ang impormasyon o pera mo.

Maraming kaso ng mga phishing at investment scams. ‘Pag may pangako ng quick and easy money, malaki ang probabilidad na scam na yan!

Ito ang dahilan kung bakit dapat always updated at educated tayo on new types of scams. Madaling maging biktima ng mga scam kung ‘di nag-iingat at ginagawang habit ang pag-reresearch. Importante na laging nagdodouble-check kung legit ba ang mga pinapasukan para maiwasan natin ang scams at hindi tayo mabiktima ng mga ito.

Image

5. Ang Financial Literacy ay susi sa pag-abot ng mga financial goals mo!

Aware ka ba sa konsepto ng financial freedom o kaya “Financial Independence, Retire Early” (FIRE)?

Ang FIRE ay isang konsepto na kapag meron kang good financial habits, magkakaroon ka ng sapat na pera at resources para mabuhay ng komportable at makapag-retire nang walang iniisip at hindi kailangan umasa sa mga mahal sa buhay at ibang tao. Kahit bata ka pa at single o di kaya’y may pamilya ka na, mainam na pagplanuhan mo na ang retirement mo at ang mga ibang pangarap sa buhay – at mas makakamit mo ito sa tulong ng financial literacy.

Ayan, kaibigan! Alam mo na ang kahalagahan ng Financial Literacy. Ngayon, para simulan ang iyong financial journey, kailangan mo ng gabay o mga diskarte. Alamin ang apat na konseptong magsisilbing gabay para sa una mong hakbang sa iyong financial journey!

Don't have GCash yet?

Gusto maging mas wais sa pera?

Alamin ang iba pang Usapang Pera articles para sa dagdag kaalaman tungo sa mas madiskarteng paghawak ng pera
Back to Usapang Pera