Ang Financial Independence ay ang kakayahan ng isang tao mabuhay nang komportable dahil
mayroon na siyang sapat
na pera at resources para sa mga pangangailangan at kagustuhan niya.
Para ma-achieve ‘to, kailangan lang natin intindihin ang 4 na konseptong gagabay sa’yo: Earn, Spend, Save at
Grow. Ito ang mga gabay natin para makamit ang ating inaasam na financial independence at komportableng
retirement!
1. Earn
Bago mag-spend, save, at invest, kailangan may source of funds ka muna. Ang karaniwang source of funds
ng isang tao ay income o sweldo mula sa trabaho.
Pero, maliban sa sahod kada-buwan, mas mainam kung may iba ka pang pwedeng pagkukuhanan ng funds. Pwede
mo subukan magfreelance o magnegosyo. Sa panahon ngayon, marami na ang pumapasok sa online selling dahil
kahit nasa bahay lang sila, pwede na sila magbenta at magka-income. Kung may lupa ka o properties, pwede
ka rin pumasok sa rental businesses para mas dumami at lumaki ang earnings o funds mo.
2. Spend
Ito ang paborito natin. Ang paggastos! Masaya gumastos sa masasarap na pagkain, magagandang damit, at
iba pang mga gusto natin. Ayos lang ‘yan, pero maaaring sumobra ito kapag mas gumagastos na tayo sa
ating mga kagustuhan kaysa sa mga pangangailangan.
Pagdating sa gastos, unang dapat tandaan ay dapat meron kang budget plan sa iyong expenses at iba pang
spending habits. Sa budget plan na iyong gagawin, dapat mong ma-identify ang needs at wants.
Kapag nacategorize mo na ito, mas mapa-prioritize mo na ang iyong mga kailangan tulad ng pagkain, kuryente, at tubig kaysa sa mga kagustuhan lamang tulad ng gadgets o bagong mga kagamitan.
Mahalaga rin to spend for self-improvement and growth tulad ng further education, seminars, books, at vitamins for good health. Ito ang mga bagay na tutulong sayo maging mas productive at healthy para ma-achieve mo ang iyong life goals!
3. Save
Kapag may earnings at spending plan ka na, ang susunod na dapat gawin ay mag-save. Ang saving o
pag-iipon ay ang pagtabi ng pera para sa future.
Mahalaga na magkaroon ng savings dahil ito ang gagamitin kung sakaling magkaroon ng unexpected
emergencies o expenses. Ang savings ay para rin sa mga pangarap o mga nais natin makamit at kailangan na
nating bayaran, tulad ng bills, rent, o mga outing at travels. Kapag may sapat na savings ka,
nakaka-avoid ka ng unnecessary debts dahil hindi mo na kailangan kumuha ng loan or credit.
Pwede ka mag-ipon sa isang alkansya o magdeposit sa isang savings account.
-
Sa alkansya, secure ito at madaling ma-access pero wala itong tubo kasi hindi kumikita ang pera mo. Dahil
nasa bahay lang din at madali ito ma-access, mas madali rin maisip na gastusin ito.
-
Sa savings account, madali pa rin ma-access, pero ang maganda ay nag-eearn ito ng interest at secured pa
sa mga bangko. Ang interest ay ang pagtubo o kita ng pera mo ‘pag dineposito mo ito sa bangko.
Kapag marunong ka magsave, mas gagaling ka humawak ng pera at mas magiging handa ka sa future.
4. Grow
Napakahalaga na may savings, pero hindi ito sapat para ma-achieve ang financial independence. Kailangan
lumago at mag-grow ang pera mo through investing.
Ang investing ay ang proseso ng pagbili ng mga assets o resources na tumataas ang halaga at magbibigay
ng kita sa’yo in the future tulad ng stocks, bonds, o investment funds. Ito ay mga financial instruments
na tutulong sayo palaguin ang pera mo. Sa investing, ang pera mo ang kumikita para sayo!
Higit pa roon, natatandaan mo ba ang inflation? Lahat tayo ay apektado ng inflation kung saan bumababa ang value ng ating pera dahil tumataas ang presyo ng mga bilihin. Mahirap ito labanan, pero kapag nakakuha ng higher returns ang iyong investments kaysa sa inflation rate ng bansa, panalo ka kasi you are able to keep and even grow the value of your money.
Ang galing ‘di ba? Excited ka na ba, kaibigan?
Ngayong alam mo na ang 4 na diskarte, handa ka nang simulan ang iyong wealth journey patungo sa financial independence! Gawin ito in just 4 Steps!